Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..
Naisko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaringmakatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.
Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun.
A regular OFW might earn from P20K-P30K per month depende sa lokasyon.
Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).
Malakiang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines.
Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirapmaging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya.
Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon.
Pagdatingng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro.
Masokay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya.
Kapagumuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya.
Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.
Kapaghindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na.
Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun.
Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy.
Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces.
Sigelang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.
Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment.
Tiislang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap.
Kapagnakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".
Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagodrin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom.
Kailangandin ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.
Tumatandarin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na.
Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis.
Yet, they continue to work thinking about the family they left behind.
Maramiang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin.
Masakitpa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak adik o nabuntis; ANG ASAWA MAY KINAKASAMA NA RIN.
Naalalako tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Bayaniang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay.
Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion.
Bayaniin the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio na kalayaan ang ipinaglaban.
Mashigit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay.
Masmaraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho.
Masmahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.
Matindiang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution.
Maramingsakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.
Malasng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!).
Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears.
Kapagdumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron).
Kapagnaubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara.
Angswerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino.
Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.
Matatagang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo.
Magalingsa reverse psychology, negotiations at counter-attacks.
Tatagal ba ang OFW?
Tatagalpa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya?
o may tsansa pa ba?
Masarapisipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw.
Nakikitamo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos.
Masarapkumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka.
Masarapmanood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago.
Ibapa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo.
Ibapa rin sa Philippines , iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo except ('pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pagnagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo.
Ibapa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba".
Ibapa rin talaga.
Sigelang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!
One Race, One Blood, One Love
"vhone"
No comments:
Post a Comment